Ang kontrobersiyal kong artikulong sumisiyasat

Ang Ikalawang Yugto ng Pagsisiyasat
ni Justin David G. Pineda

Ang kontrobersiyal kong artikulong sumisiyasat sa pagiging epektibo ng Community Service Program (CSP) na ipinapatupad ng Center for Social Concern and Action (COSCA). Ito kasing CSP ay isang requirement sa mga serye ng RELS at TRED (mga religion subjects) sa lahat ng mga undergraduate students ng DLSU para makapasa. Ang problema, ang daming requirements at may binabayaran. Ang iba pa, lumalagpas pa ng isang libong piso ang gastusin. Ang tanong dito, bakit kailangan ang pagtulong sa iba ay may kalakip na bayarin? Dapat ba ang pagtulong ay mahal? Dapat ba ang pagtulong ay isang obligasyon? Kapag wala kang perang pambayad, babagsak ka na? Epektibo pa ba ang CSP? Inimbestigahan din ang kakulangan sa badyet at tauhan ng COSCA para sa CSP.

Samu't saring mga reaksyon at opinyon ang natanggap ng artikulong ito. Naniniwala akong naging patas at balanse ang aking artikulo. Naniniwala rin akong kinailangan ng Pamantasan na malaman ang pagsisiyasat na ito dahil apektado ang buong Pamayanang Lasalyano rito. Ang artikulong ito ay naparangalan bilang Pinakamahusay na Artikulo para sa buwan ng Hulyo.

Kayo na humusga kung sino ang may sala. Hindi nakayang mai-scan ng isahan ang artikulong ito kaya hinati ko na lang ito sa tatlong parte. :)

Enjoy reading. Nakalagay din ang aking Reflection Paper sa Community Service Program.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa aking artikulong "Ang Ikalawang Yugto ng Pagsisiyasat: Community Service Program sa TRED at RELS, epektibo ba?" Salamat Tina sa dibuho, Kuya JC sa pagtatanggol sa akin. Salamat din sa mga tao sa Plaridel na nakapag-circulate at nakaubos ng libo-libong kopya ng dyaryo sa loob lamang ng dalawang araw. Galing mo Mares! hehe