Thou shall not covet thy neighbor’s wife

Thou shall not covet thy neighbor’s wife

- Justin David G. Pineda




Yan ang sinabi sa akin ni Paul. “Alam mo David, parang ganito yan. Kapag tumuloy ka kay Kara, parang nang-agaw ka ng asawa.” Usapan namin niyan nina Paul. Although it’s just a joke, it somehow relates with the problem. Ang una ko talagang impresyon kay Kara ay masungit at mataray. Ang basehan ko non ay ang kanyang pisikal na kaanyuhan. Totoo. Sa totoo lang, di ko naman talaga siya makikilala kung di ko ginawa yung project sa ZLL eh. Tuwing umaga nga nung mga first quarter, magkasama pa yang si Kara at si Al sa catwalk. Silang dalawa lang. Kaya kahit di ko sila kilala, nagpapasaring ako. “Ano ba yan, ang aga-aga ligawan!” Puro ako kalokohan nun. Pero nung nakausap ko na siya, nagkagusto na ako sa kanya. Hayop talaga…nakakainis!

Linggo ng wika, puro batian kami niyan ni Kara. Haay, kakainis na. Let’s skip some events. Nakakabuwisit na talaga eh…di ko talaga alam na ganun ang mga mangyayari eh.

Tuesday yun. Di ko makalimutan yun. ZLL ni Kara. Di niya ako pinapansin nun. Ewan ko kung bakit. Nakita ko sa clinic, kiniliti siya at dumiretso ako. Nalaman naman niyang ako yun. Nung hapon, mga bandang 2:30 yun, dumungaw ako sa labas ng klasrum namin at pinagmamasdan ang mga freshmen na naguuwian na. Nakita ko si Kara na naglalakad. Huminto siya at kumaway sa akin. Kinawayan ko rin siya. Masaya naman siya nung mga panahong iyon.

Uwian na at nagdesisyon akong magpaiwan. Wala naman, trip lang. Parati naman akong nagpapaiwan eh. Nagkukuwentuhan pa kasi kami ni Jonjo, Neil, Duds, Philip at Casper sa hapon. Nagtext sa akin si Kara. Sabi sa text “How’s your day?” Nagreply naman ako, sabi ko okey lang ako at binalik ang tanong sa kanya. How’s your day? Sabi niya hindi raw siya okey. Masama raw ang pakiramdam niya. Tapos pa, hindi na raw niya kaya si Franz. Wala raw pakialam ang lalake sa kanya lalo pa’t may sakit ito. Sabi ko naman, baka may importanteng ginagawa. Look at a positive perspective. Hindi na raw niya talaga kaya. Masyado na raw siyang nasasaktan. Yun naman pala eh. Pero wala akong tinext sa kanya na iwanan niya si Franz. Sinabi ko, kausapin niya para maayos.

Thursday ng umaga, pagkatapos ng computer time, lumapit sa akin si Franz. Ibibreak na raw niya si Kara. Hindi na raw niya kaya. Marami raw factors. Pati pag-aaral niya, nahila na. Ayun, so nag-break sila nung araw na yun.

Nakausap ko pa si Kara nung mga tanghali (lunch time). Umiiyak siya habang kausap ko. Kasama pa nun si Al. Sabi ni Kara sa akin, wala raw halaga nung sinabihan niyang “mahal kita” si Franz. Nang nakita ni Kara na parating na si Franz, tumakbo na agad ito sa CR.

Ah, naalala ko na. May sasabihin kasi ako dapat kay Kara non eh. Kaya ako pumunta sa kanya nung lunch time. Pero naudlot nung binuksan ang topic tungkol kay Franz.

P.E. namin nun. Basketball nga kami eh. Nakita ko non si Kara, together with her friends…Haay, alam mong ginawa ng sira ulong si Justin? Sinamahan pa si Kara papuntang service. Di ko maalala kung binuhat ko yung gamit. Ready na raw siyang makinig sa akin. Sa kung anuman ang aking sasabihin. Di ko rin naman alam kung ano na ang aking sasabihin. Actually, bibigyan ko dapat siya na payo tungkol sa relasyon niya (kahit na gusto ko siya…). Kaya lang, ayun dedbol na pala nung Thursday na yun. Kaya ngayon, ano pa ang maipapayo ko?

Naisip ko rin nung panahong iyon na tanungin ko kung pwede ko siyang ligawan. Bakit ba? Wala nanaman sila ni Franz di ba? Kaya kong ipakita sa kanya na mababago ko siya. Kaya kong itaas siya sa mga posisyon. Kaya kong turuan siya sa mga sabjeks niya para mas tumaas ang mga marka niya. Kaya kong magpaiwan araw-araw sa kanya (kasi nag-cocomute ako) para samahan siya. Kaya kong gumastos linggu-linggo sa sine para sa aming dalawa. Kaya kong pasayahin siya kahit kalian niya gusto. Pero hindi. Nag-isip ako. Nag-isip ako ng husto. Sabi ko na lang kay Kara, sa text na lang sasabihin ang mga dapat sabihin. Pero di ko maalala ang mga nangyari nun. Ayun, mas lalo akong naguguluhan ngunit bukas ang aking isipan.

Mahal ko pa rin naman si Monique non… siya naman talaga eh. Pero may gusto ako kay Kara. Love? Di matimbang eh. Marami na akong napagdaanan kay Monique at kilala ko na siya kahit pano. Kaya ayun. Kaya di ako tumuloy noong mga panahong iyon. Nagsisisi pa ako at nagdalawang isip pa ako kay Monique. Naiiyak ako kasi mali ang ginawa ko. Dapat talaga naging faithful ako eh. Nabahiran ako ng infatuation. Buti na lang, huminto ako, nagisip at hindi tumuloy…

Hanggang isang araw...