Simula ng panibagong delubyo sa buhay ni Justin David G. Pineda

Panimula:
Naisulat ko ang entry na ito noong ako ay nasa ikaapat na taon ng hayskul. Nakakatawa ito pero gusto ko lang linawin na tapos na itong pangyayaring ito. Kaya nga kasaysayan ang tawag sa blog na ito hindi ba?


Simula ng panibagong delubyo sa buhay ni Justin David G. Pineda

- Justin David G. Pineda



Ako lahat ang may kasalanan nito eh. Ako talaga. Pero sabi nga eh, we learn from our mistakes. Tsaka, Murphy’s Law na rin. Shit happens. Kasi naman, kung anu-ano pa ang iniisip ko. Pinagisip kasi kami ni Ms. Aubelle sa ZLL kung ano ang project na gagawin namin. Ako naman, si Leader, nagplano kaagad ng gagawin: Magazine na ang content ay ang mga pinakamagagandang babaeng hayskul sa Seton. Tanga-tanga ko talaga! Yun pala ang nasa isip ko. Excited pa kami noong gumawa ng magazine; ako, Paul, Luigi, Paolo at Ian.

Ganito ang ginawa namin. Gumawa kami ng mga survey forms na sasagutan ng mga lalake. Halimbawa, isa kang first year na lalake. Bibigyan kita ng survey form at ilalagay mo kung sino sa tingin mo ang limang pinakamagagandang babae sa inyong batch. Ayun. Ginawa namin iyon sa first year, second year, third year at fourth year.

Hay, sa sobrang excitement, pinapunta ko pa sina Ludge at Paul sa bahay para bilangin ang mga boto sa mga magagandang binibini. Siyempre, mas natuon ang pansin namin sa mga freshmen. Ngayon lang namin kasi sila nakilala.

Si Laissa, kaibigan kong freshman, ay alam na naming masasama sa Top 10 most beautiful girls sa kanilang batch. Pati na rin yung kapatid ni Kimberly, si Krizzel. Kayalang sa pagbibilang, may mga bagong mga pangalang lumabas: Kara Cabusao at Via Guerero. Naging interesado kaming tatlong kilalanin kung sino yung dalawang yun at halos lahat ng mga lalake sa first year ay nagkakandarapang isulat sila.

Buwisit talaga! Nagsisisi talaga ako sa mga nangyari….

Iyon na nga, kinilala isa-isa ang mga napili. Mag-pokus na lang tayo sa mga freshmen. Isa-isa silang tinawag sa magkakaibang mga panahon. Kinuhanan sila ng mga litrato.

Si Via ay kinuhanan na namin ng litrato sa may kantin. Di ko pa masyadong napansing maganda siya. Mababait naman ang karamihang mga freshmen na napili. Isang sabi mo lang, sunod na kagad sayo. Senior power talaga!hehehe

Well, umakyat kami at tumungo sa advisory class ni Ms. Jham upang kuhanan ng picture si Kara: I-Mineralogy. Si Al, yung may gusto kay Via, ay nangungulit na tungkol kay Kara. Sumunod naman ang bata sa amin nina Luigi at dinala namin siya sa may farm upang kuhanan ng picture. Di ko makakalimutan yun, katatapos lang ng pictorial ng CCP participants.

Habang kinukuhanan ko ng picture si Kara, unti-unti niyang naaakit ang aking paningin. Nagagandahan ako sa kanya ng husto. Sobra talaga. Gandang-ganda talaga ako. Ayun, crush ko na siya.

Alam ko na noon na may boyfriend na siya: si Franz. Pero, wala naman eh. May panata ako kay Joanne eh. Nung hapon, parang tinamaan talaga ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Open-minded pa rin naman ako.

Nasa farm pa noon eh, at nakikipagkuwentuhan pa si Kara kina Via at sa iba pang mga kaklase. Kami ni Luigi, nakiki-epal sa kanya. Haay, talaga naman, masama talaga ang mga desisyon ko!

Nang pauwi na si Kara, tinulungan pa namin ni Luigi si Kara na magbuhat ng gamit. Ako pa nga ang nagbuhat ng gitara niya eh. Hinatid pa namin siya sa service niya at nagkuwentuhan pa.

Kinagabihan, tinawagan ko si Kyrene pati si SJ. Sabi ko may gusto ako kay Kara. Puwede kaya siyang ligawan? Tanga-tanga ko talaga, inisip ko pa iyon. Siyempre sabi nila hindi pwede. Una sa lahat, may boyfriend na, respeto dapat. Pangalawa, si Monique, at mga panata ko sa kanya. Pero nagkagusto talaga ako kay Kara.

Ayon, ang inutil na si Justin ay tinuloy-tuloy pa rin ang pagkilala kay Kara. Hindi makatiis, tumawag pa kay Shannen para malaman ang cell number ni Kara.

Naka-text ko na, gagawin ang lahat para lang makilala siya. Ang tingin naman niya sa akin ay “Kuya” pa rin. Tanggap ko naman iyon eh. Pero may crush ako sa kanya. Super bait niya at super sweet pa. Kahit nasa third floor ako at siya’y naglalakad sa may catwalk, kakawayan niya ako. Parati niyang routine yon sa akin. Lalo tuloy akong nagkagusto sa kanya, kahit alam kong “bawal” talaga mangyari ang mga gusto kong mangyari.

May pakiramdam din akong hindi magtatagal si Franz at Kara. Kasi mas matured ang isip ni Kara kaysa kay Franz. Tsaka pakiramdam ko, may expectations si Kara na hindi ma-meet ni Franz. Siyempre, si Franz, cool dude yan. Batang-isip pa. Pinabayaan ko lang mangyari ang mga bagay kahit may gusto ako sa kanya. Eh respeto naman kasi no! Lalake ako…

Mahal naman niya si Franz. Mahal naman din ni Franz si Kara. Nagmamahalan sila. Masaya naman ako kung saan masaya si Kara eh. Tsaka, friends kami ni Franz.

Yun ang simula ng buhay ko na andun si Kara. Tapos, puro kamalasan na ang nangyari sa akin.

Sanggunian ng mga litrato:
  1. http://www.friendster.com/user.php?statpos=bc&uid=12970472
  2. http://www.friendster.com/12849776