Panindigan mo ang mga ginawa mo

Panindigan mo ang mga ginawa mo
- Justin David G. Pineda

Naalala ko ‘non na medyo nakakapanibago na ang hayskul kasi maraming bagong freshmen. Sa katunayan, nagagamit na ng husto ang catwalk.

May mga new students na mga sisiga-siga kasi di pa nila alam kung ano at sino ang kanilang makikita. Siguro ginagawa nila yun para isipin na unbeatable sila. Para may impresyon na dapat silang katakutan. Nung sophomore ako, iilan lang naman ang mga new students sa batch. Si Pamelyn Faner (Histology), Roneil Nostratis (Histology) at Jude Alquiza (Pathology). Si Jaymard Colmenar ay balik-Seton galing Don Bosco at si Neil Reyes naman ay balik-Seton South kasi galing siyang Seton Main.

Isa sa mga di ko makakalimutang ginawa ko ay ang pag-dedepensa sa aking sarili. Ayoko kasing binabastos ako. Talaga lang. Kahit kailan, di ko matiis na maagrabyado ang sinuman na inosente naman talaga.

Si Kimchi, isang freshman, ay new student noong mga panahong iyon at isa siya sa mga ilang new students na gustong magpakita ng kanyang lakas sa pananakot o kung ano man.

Naglalakad ako nun sa catwalk ng tumawag si Kimchi ng “Justin”. Lumingon ako sa pagkakaalam na ako yung tinatawag (pano ba naman saktong-saktong pagtungtong ko roon ay tinatawag na niya si Justin). Tapos iba pala yung tinatawag niya. Kaya tawa siya ng tawa. Andun nga yung Justin na hinahanap niya (Justin Saquilayan). Para akong napahiya pero ayos lang. Ang ginawa naman ni Kimchi, tawag siya ng tawag ng Justin pero paglumingon ako, yung isang Justin naman ang kanyang susutsutan. Alam mo na talaga na nangiinsulto.

Simple lang naman ang ginawa ko eh. Nang papalapit na si Kimchi, hinablot ko yung uniporme niya at hinila ko pataas. Sabi ko, “Mamili ka ng aasarin mo ah!”. Natakot siya at nung nakapila na sila, tinitigan ko pa ng masama. Nung lunch time, yung mga batch mates kong mga lalake, inaasar siyang “Egot”. Kaya nung hapon, dumiretso na siya kay Ms. Carol.

Pinatawag ako ni Ms. Carol sa opisina at kinausap kami kasama si Kimchi. Akala ko magagalit sa akin si Ms. Carol eh. Naintindihan niya kung bakit ko ginawa yun. Kasi naman, kahit sino ay mabubuwisit sa ginawa niya eh. Naisip siguro ni Kimchi na kapag di siya pumunta kay Ms. Carol, buong taon siyang aasarin ng mas mataas na level sa kanya. Respeto lang naman talaga eh. Yun lang.

May mga sumunod pa diyang mga away. Mas malala pa.